1-M tourist arrivals target sa Boracay

MALAKI ang posibilidad na maabot ng Boracay ang target nitong isang milyong tourist arrivals ngayong taon.

Ayon kay Niven Maquirang, Administrator ng Aklan Jetty Port, umabot na sa mahigit 970,000 turista ang bumisita sa Boracay ngayong taon.

Maliban sa dagsa ng mga bakasyonista dahil sa semestral break, 2,500
Asyanong turista naman ang nakatakdang dumating sa Sabado, Oktubre 27,
sakay ng isang Carribean Cruise Ship.

Magugunita na umabot sa mahigit 1.8 milyong turista ang dumagsa sa Pilipinas sa unang limang buwan lamang ng 2012, iniulat ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Batay sa report, mas malaki ang nasabing bilang kung ikukumpara sa mahigit kalahati ng taunang average na tatlong milyong turista sa mga nakalipas na taon.

Kabilang ang turismo sa pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno, dahil
maisasakatuparan nito ang hinahangad na kaunlaran bunsod ng pagdami ng
trabaho at kita ng Pilipinas mula sa mga turista.

Kaugnay nito, umapela si Pangulong Aquino sa mga balikbayan mula sa United States at Canada na ipagpatuloy ang pagsusulong ng turismo sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply