1 pang suspek sa Maguindanao massacre, nasakote

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isa na namang suspek sa Maguindanao massacre sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ang inaresto na si Tocao Satol Uday, 30 anyos, residente ng Barangay Labu Labu, Shariff Aguak na itinuturong kasama sa naganap na karumaldumal na pagpatay noong taong 2009.

Ayon sa mga kaanak ng suspect, wala umanong naipakitang warrant of arrest at basta na lamang hinuli at sinaktan pa ng arresting team si Tocao.

Lehitimong miyembro ng 118th base command ng MILF ang suspect.

Si Tocao ang ika-99 suspek na naaresto kaugnay sa malagim na massacre noong Nob. 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan na umaabot ng 57 katao, kabilang na ang 32 media workers, ang napatay.

Aabot sa 198, kabilang ang ilang miyembro ng makapangyarihang Ampatuan clan, ang suspek sa massacre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply