1 patay, 1 nawawala sa bagyong Sandy sa US

ISANG lalaki ang naitalang namatay habang isa naman ang nawawala sa lumubog na HMS Bounty sa Atlantic waters makaraang manalasa ang bagyong Sandy sa East Coast ng Amerika.

Nabagsakan ng puno ang lalaking hindi pa nakikilalang lalaki sa New York.

Samantala, kaninang umaga ay nailigtas ang isa sa dalawang nawawala ngunit unresponsive habang kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang kapitan ng HMS Bounty.

Kaugnay nito, kaninang alas-8;00 ng umaga ay tumama na si Sandy sa New Jersey ngunit humina ito at naging isa na lamang tropical storm.

Tinatayang 2.8 milyong mga residente naman ang walang supply ng kuryente dahil pa rin sa nasabing bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply