1 patay, 1 sugatan ng tamaan ng kidlat

TACURONG CITY, City Sultan Kudarat – Isa ang patay at isang nasugatan ng tamaan ng malakas na kidlat sa lalawigan ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Edgardo Lozada, 36, may asawa at residente ng Brgy Poblacion, M’lang North Cotabato, habang sugatan naman ang isang Jaharmin Mamasalagat.

Nakaligtas naman ang kanilang kasama na si Luigi Salasar sa naturang pangyayari.

Ayon kay Salasar, dakong alas-7:00 ng gabi ng mangyari ang insidente habang naglalakad sila galing sa pangangaso sa Barangay Dungguan sa naturang bayan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Aniya, nagpahinga sila sa isang punongkahoy nang biglang kumulog hanggang sa tinamaan ng malakas na kidlat ang kanyang mga kasamahan.

Binawian kaagad ng buhay si Lozada na sentrong tinamaan ng kidlat habang sugatan si Mamasalagat at nakaligtas si Salazar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply