1 patay, 2 sugatan sa pamamaril

ISA ang patay habang dalawa pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng apat na kalalakihang angkas ng dalawang motorsiklo habang nag-iinuman sa loob ng isang tindahan kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Froilan Maglalang, 25, may-asawa computer technician at resident ng 2100 Layamayan St., Sta. Ana, Maynila.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatang sina Loren Valenzuela,36, barber, at Ferdie de Castro, 26, may-asawa, mobile technician at kapwa nakatira sa 1608 Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, dakong alas 10:45 kagabi nang maganap ang pamamaril sa loob mismo ng Tordiles General Merchandize/Madonna Mobile na matatagpuan sa 1608  P.Gil St., ng nasabi ding lugar.

Hindi naman nakilala ang apat na suspek na tumakas sakay ng di naplakahang motorsiklo na nakasuot ng full face helmet.

Sa salaysay ng testigong si Charlie Salazar, nakikipag-inuman ito kina Maglalang at de Castro nang dumating ang dalawang riding in tandem.

Bumaba umano ang backride ng isang motorsiklo at nagpanggap na kostumer kung saan sumilip pa ito sa nakabukas na bahagi ng tindahan saka sunod-sunod na nagpaputok ng .45 caliber pistol.

Tinamaan agad sina Maglalang at de Castro sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Kinukumpuni naman ni Valenzuela ang kanyang bisikleta nang masaksihan ang pangyayari kaya tinangka nitong tulungan ang dalawa ngunit maging siya ay binaril din sa tiyan ng suspek .

Nang magsitumba ang mga biktima ay mabilis na tumalilis ang mga suspek .

Ayon pa sa testigo, bago maganap ang insidente ay isang customer na buntis umano ang naging costumer sa tindahan pinapasukan nina Magallang at de  Castro .

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina de Castro at di nakilalang babaeng buntis na nauwi pa sa sakitan ng dalawa.

Posible umanong ito ang dahilan at motibo ng pamamaril ng mga suspek sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply