1 patay, 3 pa sugatan sa sunog sa Kyusi

(UPDATED) ISA ang patay habang tatlo naman ang sugatan nang masunog ang isang lumang bahay sa Quezon City kaninang madaling araw (Oktubre 18).

Narekober ng mga bumbero ang labi ng biktima sa isang bahay sa kanto ng Banaue at Cuenco Streets, Barangay Sto. Domingo matapos mapatay ang sunog dakong alas-3 ng madaling araw.

Kinukumpirmpa ng mga imbestigador kung ang natagpuang sunog na bangkay ay ang may-ari ng bahay na si Robert Chua na nauna nang iniulat na hindi nakalabas ng kanyang bahay.

Ayon sa pamilya Chua, sa pangambang may masamang nangyari sa kanilang mahal sa buhay ay tinatawagan nila ang cellphone nito pero walang sumasagot.

Sugatan naman sa sunog ang isang Domingo Macabangon at dalawang hindi nakikilalang residente.

Sa pagsisiyasat, lumabas na nagsimula ang sunog dakong ala-una ng madaling araw at umabot sa fifth alarm bago ito nakontrol dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Kahol ng kanilang mga alagang aso ang gumising sa mga natutulog na miyembro ng pamilya Chua, ayon pa sa ulat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply