1 patay, 3 sugatan sa pambobomba sa CDO

ISANG sibilyan ang patay habang tatlo ang nasugatan kabilang ang dalawang pulis sa panibagong pambobomba sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental kaninang madaling araw.

Ayon kay Cagayan De Oro City Police Chief, Senior Supt. Gerardo Rosales, naganap ang pagsabog malapit sa isang hotel sa J.R. Borja Street dakong alas-2:00 kaninang madaling araw.

Batay sa pagsisiyasat ng awtoridad, isang improvised explosive device na isiniksi sa lata ang itinanim ng hindi pa mga ikilalang suspek.

Nakatanggap ng tip ang mga pulis hinggil sa mga kaninahinalang lalaki na umaaligid sa hotel.

Natagpuan ng mga pulis ang tin can subalit nang siyasatin nila ito ay biglang sumabog.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng namatay na biktima gayundin ang motibo at kung anong grupo aang nasa likod ng pagpapasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply