1 taong gulang na baby nilapa ng aso sa Aklan

NILAPA ng aso ang isang taong gulang na lalaki na kasalukuyang nasa ospital sa Barangay Navitas, Numancia, Aklan.

Ayon sa ina ng biktima, hindi nila napansin na nakalapit na ang batang si Kian Nadua, isang taon at isang buwang gulang, sa asong alaga ng tiyuhin ng biktima.

Bigla umanong sinagpang ng aso ang ulo ng bata at iwinasiwas pa ito dahilan para magtamo ng malalim na sugat sa mata at noo ang biktima na agad namang isinugod sa Aklan Provincial Hospital at tinurukan na ng anti-rabies vaccine.

Pinayuhan naman ng mga doctor na huwag papatayin ang asong nakakagat hanggang sa matapos ang 14 araw na pag-oobserba sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply