1 todas, 1 sugatan sa lamparang sumiklab

NATUSTA ng buhay ang isang batang lalaki habang sugatan naman ang kanyang nanay nang mahulog ang lamparang may sindi na ikinasunog ng kanilang bahay sa Agusan del Sur kaninang madaling araw.

Halos hindi na makilala nang marekober ang bangkay ng biktimang si Gerry Gilla, 4-anyos sanhi ng tinamong sunog sa ulo at katawan.

Habang isinugod naman sa La Paz Municipal Hospital sanhi ng third degree burn sa katawan ang ina ng biktima na si Cherilyn, 21-anyos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala 1:50 ng madaling araw  sa bahay ng mag-ina sa Barangay Poblacion sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ito ay nahulog ang lampara sa kahoy na sahig sa bahay ng isang Felipe Gilla na nanay ni Cherilyn at lola naman ni Gerry habang natutulog ang mag-ina.

Nailigtas naman ng mga kapitbahay si Cherilyn ngunit hindi na naisalba pa ang batang si Gerry dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Nadamay din sa sunog ang bahay ng isang Margarita Amado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply