Kelot na-trap sa nasusunog na bahay, dedo

NAMATAY ang isang lalaki nang makulong sa loob ng nasusunog nitong bahay sa Antipolo City, Rizal, kaninang hatinggabi.

Halos hindi na makilala ang sunog na bangkay na kiinilalang si Kent John Rivera habang nasugatan ang kapatid nitong si Geronimo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa banyo ng mga biktima sa Raspberry Street, Robinsons Home Subdivision mag-aalas dose kaninang hatinggabi

Malaki ang hinala ng BFP na isang naiwang kandila ang dahilan ng pagkalat ng apoy makaraang mawalan ng kuryente sa bahay.

Naapula naman ang sunog makalipas ang 30 minuto.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng napinsalang ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply