10 bahay sa loob ng Manila North Cemetery, giniba

UMABOT sa sampung (10) bahay na iligal na ipinatayo sa loob ng Manila North Cemetery ang idinemolish.

Ang pagpapagiba ay bilang paghahanda sa paggunita sa Undas o Araw ng mga Patay sa Nobyembre 2.

Ayon kay Manila North Cemetery Administrator Edgardo Noriega, ipinag-utos niya ang demolition dahil sa mga reklamo ng nakawan at nawawalang gamit sa mga nitso at mosuleyo.

Tinayang nasa 100 katao na karamihan ay miyembro ng pamilya ng mga caretaker sa sementeryo ang naapektuhan ng demolisyon.

Ilan naman sa mga residente ay inilipat sa Bagong Silang, Caloocan City habang ang iba ay bumalik sa kanilang mga bahay sa labas ng sementeryo.

Nangangamba naman ang mga nagmamay-ari ng puntod na magsibalikan sa loob ng sementeryo ang mga ginibang residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply