10 miyembro ng SUV gang timbog sa P’que

NATAPOS na ang pamamayagpag ng isang grupo ng sindikato na tinaguriang SUV gang makaraang masakote ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa kani-kanilang magkakahiwalay na lugar.

Kaugnay nito, iprinisinta kaninang alas 11:30 ng umaga sa Paranaque City Police Headquarters ang sampung suspek na kinilalang sina Ludy Dagupios, 58, residente ng No. 2 Pascor drive Brgy Sto. Niño, Paranaque City; Red Marlon Guarino, 23, driver residente ng Area J, Blk. 14, Lot 31 Brgy Ramon Cruz, GMA Cavite; Princess Losa 20, ng Area J. Blk. 2, Lot 7, /brgy, Lumbreras, GMA Cavite; Ritchie Cahinta, 38, driver ng Bignay St., Talon 5, Las Piñas City at Almario Rentillosa, 40, ng Banner St., Fourth Estate Subdivision San Antonio, Paranaque City.

Kasama sa mga nadakip na kasabwat ng sindikato na sina Luiz Bondoc, 39, ng Cherry Blossom St., Payatas, Quezon City; Ronelyn Consorter, 20, gn Sitio Caila Brgy San Roque, Antipolo City; Jonnalyn Sarmiento, 28,
at Arvin Manal, 24, ng Sitio Casay Uno, Antipolo City.

Nabawi ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng cell phone, shoulder bags ATM Cards at iba pang drug paraphernalias.

Nakuha rin ng awtoridad sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang granada, tatlong baril pati na ang colorum na saksakyan ng ginagamit ng grupo sa kanilang panghoholdap.

Ang mga suspek ay nasakote makaraang ang ginawang follow-up operation ng Intelligence Unit ng Parañaque City Police sa pamumuno ni S/Supt. Billy Beltran Hepe ng Parañaque City Police.

Ayon kay Beltran ang modus operandi ng mga suspek ginagamit ng mga ito ang isang SUV para gawing pampasahero at inilalagay ang sign board na Lawton/Baclaran/Cavite.

Ang mga pasaherong sumasakay ang hinoholdap ng grupo at ang mga babae ay minomolestiya bago tangayin ang mahahalagang kagamitan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply