10 OFWs na kumakain ng basura sa Saudi Arabia, pinabulaanan ng DFA

PINABULAANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napa-ulat na may 10 Ovesrseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang nangangalakal ng basura para may makain.

Sa kabila nito, nagbanta ang mga apektadong OFW na naglulunsad sila ng hunger strike dahil umano sa kapabayaan ng mga opisyal ng gobyerno at hindi pagbibigay ng kinakailagang ayuda.

“A leader of distressed OFWs working for Al-Naseeb Establishment in Al-Khobar, KSA, OFW Mr. Bonifacio Bayubay, conveyed his group willingness to be interviewed so that they can directly appeal to the PH government,” ayon kay MIgrante Middle East Coordinator John Monterona.

“Al-Naseeb OFWs threatened to stage hunger strike to protest what they call ‘PH officials inaction’ and ‘no assistance’ provided to them. The OFWs stop working since May 2012 over alleged labor malpractices, sabi ng grupo.

Ayon kay DFA Spokesman Asec. Raul Hernandez, nasa pangangalaga ngayon ang mga nasabing OFW sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon pa kay Hernandez, tinutulungan din ang mga ito ng ating embahada na magsampa ng kaso laban sa kanilang employer matapos na makaranas ng labor malpractices na nagbunsod upang tumigil sila sa pagtatrabaho nitong Hulyo.

Kinilala ang mga biktima na sina Bonifacio Bayubay; Perlito Garcia; Marlon Ciervo; John Ryan Lupega; Ronie Villegas; Demetrio Galia; Rodel Lonsame; Percival Bibat Jr.; Wilfred Elbanol at Jonathan Querido.

Ang mga nabanggit na OFWs ay dineploy ng Philippine-based recruitment agency na YHMD International Manpower Services at nagta-trabaho bilang construction workers at equipment operator/technician ng Ali-Fahad Al Huraish, isang contracting company na may punong tanggapan sa Al-Hasa, Saudi Arabia.

Nauna rito, isiniwalat ni  John Leonard Monterona, Regional Coordinator ng Migrante-Middle East, nakunan ng litrato ng kanilang grupo ang ilan sa mga OFW nitong nakalipas na linggo na naghahanap ng makakain sa basurahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply