100 kabahayan winalis sa Quezon City

TINATAYANG aabutin sa may 100 kabahayan ng mga informal settler ang ginigiba ngayon ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa Agham Road, Barangay Central.

Bandang alas-8:30 ng umaga, nang makalapit ang demolition team sa inilatag na barikada ng mga residente.

Bagama’t may ilan pa ring residente ang nakiusap at nagmatigas habang ginigiba ang mga bahay, wala na rin silang nagawa at itinuloy ay paggiba sa kanilang bahay.

Sinuportahan ng militanteng grupo ng Kapisanan ng mga Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang mga residente na walang ring nagawa nang pasukin ng mga tauhan ng crowd dispersal Unit ng Quezon City Police District ang barikada.

Una nang inireklamo ni Ed Villaluz, presidente ng Barangay Central Neigborhood Association, na hindi makatarungan ang demolisyon dahil wala naman silang natanggap na court order.

Pero ayon sa mga awtoridad, halos tatlong taon na nilang ipinagpaliban ang demolisyon sa pakikipagnegosasyon sa mga residente upang lumipat at tanggapin ang tulong-pinansyal.

Pagmamay-ari ng gobyerno at sakop pa ng kalye ang pinagtatayuan ng may 100 bahay ng informal settler.

Giit ng mga awtoridad, ang demolisyon ay isang operasyon para sa recovery of right of way dahil na rin sa gagawing road widening kung saan magiging bahagi na ng Quezon City business district ang naturang lugar.

Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang demolisyon at dalawang residente na ang dinampot ng mga pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply