100 law enforcer sumabak na sa training ng FBI

UMAABOT sa kabuuang 100 kawani mula sa iba’t ibang law enforcement agencies ng pamahalaan ang sumabak sa pagsasanay na pinangunahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Batay sa ulat, layunin ng “Combat Zone Post Blast Investigations” na maturuan ang mga enforcer kung paano ang pinakaepektibong paraan ng pagkalap ng mga ebidensya sa crime scenes.

Kabilang sa mga sumabak sa pagsasanay ang mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Philippine Coast Guard (PCG), at PNP Special Action Forces.

Naganap ang nasabing training noong September 24 hanggang October 6 sa Zamboanga City at Manila

Inaasahan naman ng pamahalaan na malaking kapakinabangan at magagamit ng mga enforcer ang kanilang kaalaman tungo sa kaunlaran ng kanilang kinabibilangang ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply