100 pamilyang dinemolis ang bahay sa QC, natulog sa kalye

NATULOG sa kalsada ang may 100 pamilya na ang kabahayan ay dinemolis sa Quezon City nitong nakaraang Martes habang ang demolition team na bumalik sa lugar para gibain ang iba pang natitirang kabahayan kaninang umaga.

Pinagkasya ang kani-kanilang sarili sa makipot na center island sa may BIR Road sa Barangay Central kasunod ng tensyonadong demolisyon kamakalawa ng umaga.

Karamihan sa mga residente ang naririnig na dumadaing at nag-aalalang maiigi dahil wala silang maisip na lilipatan dahil wala silang natanggap na alok para sa kanilang relokasyon.

May 40 barong-barong ang winasak sa operasyon noong Martes, at inaasahan pang gigibain pa ng demolition team ang natitira pang 50 hanggang 60 kabahayan sa lugar ngayong araw, dagdag pa ng ulat.

Sa demolisyon nitong Martes, nagkaroon ng tension nang barikadahan ng mga residente ang kanilang kabahayan para hindi magiba ng demolition team.

Itinanggi naman ng city government’s urban poor affairs office ang akusasyon at sinabing may relokasyon silang inihanda para sa naapektuhang residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply