102 lalaki sa Quezon City positibo sa HIV

UMABOT na sa 102 kalalakihan na nakipagtalik sa kapwa  lalaki ang naitalang tinamaan ng Human Immuno Deficiency Syndrome (HIV) sa unang anim na buwan pa lamang ng 2012 sa Quezon City.

Aminado si QC Health Department Head Dr. Antonietta Inumerable  na nakakabahala ang pagdami ng bilang ng “men who have sex with men” (MSM) na biktima ng HIV  kaya palalakasin aniya ng pamahalaang lungsod ang kampanya kontra rito.

Pero nilinaw naman ni Inumerable na 40 porsiyento sa mga MSM na ito ay hindi residente ng Quezon City kundi mga nagpa-check lamang sa mga klinika sa lungsod o kaya naman ay naging parukyano ng clubs dito.

Ang Quezon City ay isa sa anim na lungsod na may mataas na bilang ng HIV/AIDS infection base sa listahan ng Department of Health.

Para tugunan ang dumaraming may HIV dulot ng MSM  ay maglalagay  ang city government ng mga klinika na tututok sa mga nasabing sintomas  para sa diagnosis, counseling at medical support.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply