10th Recom golf classic tagumpay

NAGING matagumpay ang ginanap na 10th Recom Golf Classic na pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na idinaos noong Sabado (October 20, 2012) sa Philippine Veterans Golf Club sa North Avenue, Quezon City.

Ayon kay Echiverri, bahagi ng kinita sa 10th Recom Golf Classic ay mapupunta sa Tahanang Mapagpala at Tahanang Mapagkalinga na parehong matatagpuan sa nasabing lungsod kung saan dinadala ang mga batang pinabayaan ng kanilang mga magulang.

“Over the past years, the tournament has raised millions of pesos in support of realizing the dreams of thousands of Caloocan ’s street children. This year, funds raised will again benefit the street children housed at the Tahanang Mapagpala and Tahanang Mapagkalinga. Indeed, with every amount donated to the  tournament, we are helping a greater number of young people grow up healthy and live a full life,” sabi ni Echiverri.

Ang Recom Golf Classic ay taunang ginagawa na layuning matulungan ang mga street children at mga batang pinabayaan ng kanilang magulang sa buong lungsod nang sa gayon ay magabayan at mapalaki ng maayos ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang pagkalinga.

Kabilang naman sa mga nanalo sa ginanap na 10th Recom Golf Classic ay sina Eboy Madriaga na nakakuha ng longest drive, most accurate drive at nearest to the pin; Concon Domado-low gross, Roger Crespo-low net at ang over-all champion ay si Concon Domado.

Samantala, pumalo naman ng maganda sa ladies division si Rose Dizon kung saan ay itinanghal itong champion habang sa class C ay  runner-up naman si Bobby Santos, si Willy Madia naman ang naging kampeon sa parehas na kategorya.

Sa class B naman, naging champion si Alvin Tan habang runner-up si Eddie Lim samantalang sa class A ay naging matagumpay ang kampanya ni Jimmy Suelo at si Dante Bermundo ang naging runner-up.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Recom sa mga sumali at tumulong upang maging matagumpay ang 10th Recom Golf Classic at sinabi pa nito na magtutuloy-tuloy ang pagkakaroon ng golf tournament na layuning mabigyan ng maayos at magandang kinabukasan ang mga street children na inaalagaan sa Tahanang Mapagpala at Tahanang Mapagkalinga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply