11 bayan sa Maguindanao, ‘hotly contested’ sa 2013 elections

TINATAYANG 11 sa 36 na mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao ang itinuturing na ‘hotly contested’ areas bunga ng nalalapit na May 2013 Elections.

Kabilang sa nasabing mga bayan ay ang Pagalungan, Shariff Aguak, Mamasapano, Paglat, Datu Unsay, Shariff Saydona, Datu Hoffer, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Sultan Mastura at Sultan Kudarat.

Nabatid na anim sa 11 mga bayan ay nasa ilalim ng pamumuno ng pamilya Ampatuan na kinabibilangan ng bayan ng Shariff Aguak, Datu Unsay, Shariff Saydona, Datu Hoffer, Datu Salibo at Datu Saudi Ampatuan.

Kasabay nito, nagtalaga na ng mga pulis sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa naturang lugar upang maiwasan ang mga karahasan tulad ng naganap na madugong Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply