11 domestic flights kanselado kay bagyong Ofel

KINANSELA ang 11 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paghagupit ng bagyong Ofel.

Ayon sa NAIA media affairs, sinuspinde ang mga flight ng Zest Air, Airphil Express at Cebu Pacific patungo at mula sa Masbate at Caticlan dahil sa masamang panahon na sanhi ng bagyo.

Bunsod nito hindi bumiyahe ang Zest Air flight Z2-260 kaninang alas-5:05 ng madaling araw Oktubre 25 at Airphil Express flight 2P-021 kaninang alas-5:50 na parehong patungo sa Masbate.

HIndi rin bumiyahe ang pabalik na biyahe ng Zest Air na Z2-261 pasado alas-7:00 ng umaga at ng Airphil Express 2P-022 mamayang alas-8:40.

Suspendido rin ang Caticlan flight ng Cebu Pacific na 5J-893 kaninang alas-6:30 at ang return flight nito na 5J-894 ng alas-8:55 ng umaga, gayundin ang flight 5J-892 mula Caticlan patungong Manila mamayang alas-9:55.

Napag-alaman sa ulat na hindi na itinuloy ang flight ng Cebu Pacific patungong Ozamiz City na 5J-781 kaninang alas-6:05 at pabalik na flight 5J-782 mamayang alas-9:25.

Kaugnay nito kinansela sa Clark Airport ang biyahe ng Air Asia ang flight PQ-7001 at 7002 na patungo at mula sa Kalibo, Aklan.

Payo ng Airport authorities na antabayanan ang update ng mga flights ng naturang mga eroplano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply