11 mangingisda sa bangka na binangga ng Korean cargo vessel, ligtas na

NASA maayos nang kondisyon ang 11 mangingisda matapos na banggain ng isang Korean cargo vessel ang kanilang bangka habang nangingisda sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lulan ng F/Bca Raisa ang mga biktima ng banggain sila ng M/V Rainbow Joy na pag-aari ng Ocean Eleven Shipping Corporation noong Sabado ng umaga.

Dahil sa pagkakabangga ay nawasak at tumaob ang bangkang pangisda dahilan naman upang bahagyang nasaktan ang mga mangingisda.

Hindi umano tumigil ang dayuhang barko nang mabangga ang bangka at sa halip ay nagpatuloy ito sa paglalayag patungong Indonesia na tila walang nangyari.

Hindi na nahabol pa ng PCG ang cargo vessel dahil malayo na ito nang maireport ang insidente.

Gayunman, hinihintay ngayon ng PCG Davao ang maritime protest ng kapitan ng fishing boat upang maisagawa ang kaukulang mga hakbangin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply