11 pagyanig naitala sa Taal Volcano

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 11 pagyanig sa Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas ng 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa mga pagyanig ay nakapagtala rin sila ng ilang pagbabago sa temperatura at physical condition sa paligid nito.

Mula sa init ng tubig na 32.6°C, umakyat ito ng bahagya sa 32.8°C, habang mula sa taas ng tubig na 1.14 meters ay umaabot na ito ngayon sa 1.21 meters.

Bahagya namang bumagsak ang acidity level nito na indikasyon ng pagbabago sa komposisyon ng tubig.

Maging ang carbon dioxide (CO2) emission sa main crater ng bulkan ay bahagya ring tumaas.

Gayunman, nananatili lamang sa alert level 1 ang ipinatutupad ng Phivolcs habang patuloy na inoobserbahan ang aktibidades ng naturang bulkan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply