120 araw TRO vs Cybercrime Prevention idineklara ng SC

TATAGAL ng 120 araw ang temporary restraining order ng Korte Suprema na pumigil sa pagpapatupad ng Cybercrime Prevention.

Bukod dito, nagpatawag din ng oral argument ang kataas taasang hukuman na gagawin sa ika-15 ng Enero ng taong 2013.

Samantala, pinagkukumento din ng KS sa loob ng sampung araw ang mga respondent sa nasabing kaso na kinabibilangan ni Pangulong Aquino, ES Ochoa, Senado, Kamara, DOJ, NBI PNP, DOST, NPC at DILG.

Una nang kinatigan ng SC ang hiling na TRO ng mga petitioner sa nasabing kaso.

Aabot sa 15 petisyon ang inihain sa SC laban sa nasabing batas dahil nilalabag nito ang freedom of expression, due process, equal protection, right to privacy and correspondence at right to unreasonable searches and seizures.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply