123 stranded sa Burias Island, nasagip ng Phil Navy

NASAGIP ng mga kawani ng Philippine Navy ang 123 katao na na–stranded sa bahagi ng Cueva Point, Burias Island.

Ayon sa pahayag ni Capt. Rommel Galang, acting Commander ng Naval
Forces Southern Luzon na halos isang oras nang palutang–lutang ang MB
Brian matapos itong magkaroon ng problema sa makina nang makita ito ng
nagpapatrol na BRP Simeon Castro.

Ayon kay Galang, sakay ng banka ang 100 estudyante at 18 guro ng South
Claveria District at limang crew members.

Patungo sana ang grupo sa district meet ng Department Education sa San
Pascual, Burias Island nang magka-abreya ang sasakyang pandagat.

Sa kasalukuyan ligtas nang nakabalik sa kanilang bahay ng mga mga guro
at estudyante na nasagip ng Philippine Navy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply