13 na patay sa salpukan ng jeep at truck

UMAKYAT na sa13 ang iniulat na patay samantala dalawa naman ang sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong jeep at 14- wheelertruck sa kahabaan ng Highway sa Barangay Pariir, Sarat, Ilocos Norte.

Tanging ang estudyanteng si Joshua Bolibol ang nakaligtas sa naganap na trahedya at ang driver ng trak na si Vencio Butac na nagkaroon lamang ng mga mabababaw na sugat.

Nabatid na nakiki-pagkarerahan ang pampasaherong jeep na may plakang AVZ 924 nang banggain ito ng kasalubong na 14-wheeler trak na may plakang TGW 104 na may kargang mga tomato paste.

Ayon kay Butac, sumenyas siya sa jeep na bumalik sa kaniyang lane pero masyadong mabilis ang takbo na nagresulta sa salpukan ng dalawang sasakyan.

Ayon kay Sarrat Police Chief Insp. Christopher Danao, naganap ang aksidente kahapon dakong 7:30 ng umaga sa national highway sa Baranggay 18 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply