14 carnap vehicles, narekober ng HPG sa Davao City

TACURONG CITY, Sultan Kudarat-Nabawi ng mga awtoridad kagabi ang 14 na mga sasakyan sa isinagawang raid sa isang bodega na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng carnapping syndicate sa ilalim ng isang Ryan “Baktin” Yu sa Sarphil Subdivision, Barangay Wilfredo Aquino, Agdao sa lungsod ng Davao.

Bandang alas 6:00 kagabi isinagawa ang raid katuwang ng Davao City Police Office (DCPO) at Highway Patrol Group (HPG-Davao) sa isang bodega matapos inilabas ng Regional Trial Court (RTC) branch 13 ang search warrant.

Pinangunahan naman ni DCPO director S/Supt Ronald dela Rosa at HPG chief P/Supt Gregorio Pimentel ang nasabing raid.

Napag-alaman na batay sa search warrant 13 mga sasakyan ang subject ng operasyon subalit nang pinasok na ang bodega ng mga otoridad, umabot sa 14 na mga sasakyan ang nakumpiska.

Sa naturang bilang ng mga kotse, nilinaw ni Pimentel na isa lamang ang nasa kanilang listahan.

Ito ay ang Toyota Avanza na kumpirmadong na-carnap.

Kasamasa sa mga narekober  sa nasabing bodega ang isang Toyota Avanza na may plate number FNL 367, Nissan Bentre na may plate number KER 501, Toyota Vios na may plate number JIL 33, dalawang Nissan Navarra, isang Toyota Hi-Lux, isang Honda Civic, isang Chevrolet Cruze, isang Mitsubishi Strada, isang Nissan Urvan, isang Toyota Vios, isang Nissan Bongo at isang Mitsubishi Lancer.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply