14 Chinese, 2 Pinoy timbog sa black sand mining

KINASUHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng paglabag sa Illegal Mining Act of 2001 ang 14 Chinese at dalawang Filipino na naaresto ng ahensya dahil sa iligal na pagmimina ng black sand sa Aparri.

Ayon sa NBI-Region II ang mga kinasuhan ay nasa pangangalaga ngayon ng ahensya at sumailalim na rin sa inquest proceedings sa provincial prosecutors office.

Sinabi ni NBI Region II Dir. Hector Geologo, na nadiskubreng walang kaukulang dokumento ang mga nahuling dayuhan    upang makapagtrabaho sa Pilipinas .

Dahil dito, kumikilos na rin ang Bureau of Immigration (BI) upang bigyan ng kaukulang aksyon ang mga dayuhan at maibalik sa kanilang pinanggalingang bansa.

Nabataid na ang pagkakaaresto sa mga suspek ay matapos makipag-ugnayan sa NBI ang tanggapan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) kaugnany sa patuloy na pagmimina ng mga ito ng black sand sa Brgy.Dodan, Aparri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply