15-anyos stude kinuyog, sinaksak, sugatan

SAKSAK sa tagiliran ang tinamo ng isang 15-anyos na estudyante nang atekehin ng grupo ng mga kabataan sa Makati City.

Sa ulat, naglalakad ang biktimang si “Jun”, estudyante ng Pio del Pilar High School pauwi sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga kaibigan sa kahabaan ng Hippodomo sa Baragay Olympia ng lungsod nang sugurin ng grupo ng kabataan na pawang estudyante rin ng paaralan ng biktima.

Kahit nabugbog at nagtamo ng saksak, nakatakbo pa si Jun sa kanilang bahay  bago dinala sa Ospital ng Makati.

Nadakip naman ng mga barangay tanod ang isa sa mga umatake kay Jun na positibong itinuro ng isa sa mga kasama ng biktima.

Hindi naman magsasampa ng kaso ang mga magulang ni Jun laban sa mga kabataan dahil wala naman umanong mangyayari dahil ang mga suspek ay hindi makukulong o maparurusahan dahil mga menor de edad.

Samantala, hawak na ng DSWD ng Makati ang suspek na kaeskwela ng biktima para sa kaukulang dokumentasyon at pagresolba sa kinakaharap nitong problema.

Ayon kay Makati Police chief Manuel Lukban, marami nang naitalang insidente sa lungsod na sangkot ang mga kabataan, lalo na ang mga miyembro ng gang at fraternity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply