15 partylist pa binaklas ng Comelec

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) ang 15 pang partylist groups kabilang na ang Nakulong na Walang Sala (Kakusa) makaraang bumagsak sa kuwalipikasyon.

Inanunsyo mismo Comelec Chairman Sixto Brillantes ang mga listahan ng nadiskuwalipika sa isinagawang pulong balitaan kaninang umaga kung saan 12 incumbent partylists at tatlong aplikanteng grupo ang kanilang dinismiss.

Maliban sa KAKUSA, kabilang sa nadiskuwalipikang grupo ay ang AGRI, Aksyon Magsasaka Partido Tinig ng Masa (AKMA-PTM), Ako Agila, Ako Bahay, Bantay, Pilipino Association for Country-urban-poor Youth Advancement and Welfare (PACYAW), PM Masda, Coconut Farmers Association (COFA), Araro, Katutubo at OPO.

Magsasagawa muli ng pagdinig ang Comelec upang salain pa ang mga natititrang partylists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply