150,000 pulis, ide-deploy sa MM sa Undas

ABOT sa 150,000 mga tauhan ng Philippines National Police (PNP) ang ide-deploy sa kalakhang Maynila sa darating na araw ng undas.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., bukod sa nabanggit na bilang ng mga pulis ay magtatalaga rin sila ng mga public assistance desk sa mga sementeryo sa buong Metro Manila.

Layon umano nito na matugunan ang mga pangangailangan at reklamo ng mga taong bibisita sa puntod ng mga namayapa nilang mahal sa buhay.

Una nang nagsagawa ng “oplan galugad” at anti-criminality patrol ang Quezon City Police District at ginalugad nila ang mga libingan sa Novaliches.

Inaasahan din na dalawa o tatlong araw bago ang undas ay magtataas na ng alert status ang PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply