16 na vendor dinampot sa Maynila

BINITBIT ng Manila police ang 16 na vendor na nagkalat sa paligid ng Arranque Market sa Sta Cruz, Maynila dahil sa iligal na pagtitinda sa lugar.

Apat sa 16 na vendor ang kinasuhan ng paglabag sa ordinance 8092 sa tanggapan ng Manila City Prosecutor’s Office.

Kabilang sa mga inasunto ay sina Ramil B. Dela Pesa, Efren B. Dasipong, Eric D. Salazar at Beverly Arnais.

Nabatid na pasado alas-8:00 ng kagabi ay nagsagawa ng operation ang MPD Theft and Robbery Section sa Arranque Market sa Claro M. Recto, Sta Cruz, Maynila.

Ang pagkakadampot ng mga ito ay bunsod ng reklamo ng isang Darwin na sinasabing civilian colector ng nasabing unit ng Manila Police District, dahil hindi na umano tumutupad ang mga ito sa pagbibigay ng lingguhang tarya.

Agad namang pinalaya ang 12 sa mga inaresto matapos ang sinasabing pagbibigay ng piyansa sa mga arresting officer ng naturang unit.

Iginiit din ng source na masipag manghuli ng illegal vendor ang Theft & Robbery Section ng MPD subalit sobrang bagal sa pagtugis sa mga snatcher, robbery hold up gang at iba pang criminal element na naglipana ngayon sa Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply