17 anyos nawawala, 2 pang beach goers, nailigtas

PINAGHAHANAP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang17 anyos na binata na iniulat na nawawala nang malunod kasama ang dalawang pang beach goers na nailigtas sa karagatan sakop  ng Barangay Pugo, Bauang, La Union.

Kinilalang ang nawawalang biktima na si Alex John Padilla, residente ng lungsod ng Baguio.

Sa report, nabatid na nag-swimming ang biktima kasama ang mga kaibigan na sina Lauren Liclican, 16, at Jenny Bhabe Untalan, kapwa residente ng lalawigan ng Benguetnang bigla silang tangayin ng alon.

Maagap naman ang mga mangingisda sa lugar na mailigtas ang biktima ngunit sina Liclican at Untalan lamang ang nailigtas habang si Padilla ay tuluyang inilayo at tinangay ng malalaking alon.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang search and rescue oparetions ng mga awtoridad ng PCG at umaasang buhay pa ang nawawalang si Padilla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply