17 flights na-divert dahil sa navigational facility problem

DAHIL sa navigational facility problem, labing-pitong (17) international at domestic flights ang na-divert ng Manila Control Tower.

Kabilang sa mga na-divert sa Clark International Airport ang flights ng Cebu Pacific mula Iloilo, Tagbilaran, Caticlan, Naga at Busuanga.

Na-divert din sa Clark ang flight ng Air Phil Express mula Tuguegarao, Kalibo, Legaspi at Tagbilaran, gayundin ang flight ng Phil Airlines mula Iloilo.

Na-divert sa Iloilo Airport ang flight ng Philippine Airlines mula Puerto Princesa, Palawan.

Ang flight ng Zest Air mula Incheon, Korea ay na-divert sa Cebu.

Habang ang Intertional Flights ng Asiana Airlines mula Incheon Korea, Phil. Airlines Mula Incheon Korea, Thai Airways mula Bangkok at China Southern Airlines mula Canton,China ay na-divert din sa Clark International Airport.

Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang operasyon matapos masolusyunan ang problema ng Manila Control Tower.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply