17 mangingisdang nawawala, natagpuan sa Dio Island

NATAGPUAN na ang 17 mangingisda na naiulat na nawawala kahapon sa Dio Island.

Ang mga mangingisda  ay nagpumilit umanong pumalaot sa kabila ng itinaas na public storm warning Signal number 2 sa lugar bunsod ng bagyong si Ofel.

Nabatid na minabuti na munang manatili ang mga mangingisda sa isla hanggat hindi gumaganda ng panahon .

Samantala, isa pang lalaki na nahiwalay sa kanyang ama habang nangingisda at pitong iba pa na pumalaot din kahapon ang patuloy namang hinahanap ngayon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply