17 studes sinapian ng masamang espiritu

LABINGPITONG (17) high school student ng Jaclupan National High School ang napilitang dalhin sa isang pari na dalubhasa sa  exorcism  matapos na magkakasunod na sinapian umano ng masamang espiritu sa Barangay Jacpulan, Talisay City sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat,  dinala ang mga mag-aaral ng Jaclupan High School sa Mary Little Children Community sa Tabunok Talisay upang mabasbasan ni Mngsr. Fred Kriekenbeek, isang  kilalang exorcist sa probinsya ng Cebu.

Una rito, bandang  alas 9:00 ng umaga nitong Lunes, isang 4th year student ang pumunta sa comfort room habang naka recess ang kanilang pagkaklase .

Ilang sandal lamang ay narinig ilang estudyante na sumisigaw ito at sa pangalawang sigaw nag- iba na ang boses ng bata at nagpakita ng kakaibang lakas.

Agad dinala ng ilang mga kamag-aral ng biktima ang 4th year high school student sa Mother of Perpetual chapel, upang pakalmahin ngunit nanlaban ito at ibang boses na ang lumabas sa kanya.

Ilang segundo ang lumipas, ang mga estudyante naman na tumulong sa 4th year high school student ang sinapian .

Dahil dito, agad sinuspende ang klase mula sa 7th grade hanggang sa 4th year.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply