18% tax collection, target sa Sin Tax Bill – PNoy

IGINIIT talaga ni Pangulong Benigno Aquino sa mga senador ang mas mataas na buwis mula sa mga sigarilyo at alak.

Ang katuwiran ni Pangulong Aquino ay dahil sa magandang koleksyon ng buwis sa ilalm ng kanyang liderato.

“You know, the only tax we want to impose or we want to have an increase of is the sin tax issue. We started at 13 percent tax collection, we are now at 15, the target is 18 (percent). So, yes, tax administration has improved under our watch by a significant two percent,” ayon kay Pangulong Aquino sabay sabing “As I said in my speech, the cost of borrowing is low. There will be… Perhaps it will the reverse that we are a little bit apprehensive. We are a magnet for a lot of investments and we don’t have the capacity to absorb then. But so far the Bangko Sentral has been doing its job adequately and we’re trying to accelerate the processes involved in government to be able to respond to all of these infusions from so many sectors,” anito.

Sinabi ng Pangulo na tiwala siyang maipapasa ang Sin Tax Bill ngayong 15th Congress dahil sa nalalapit na eleksyon sa 2013.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Sen. Ralph Recto bilang chairman ng Senate ways and means dahil sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanya dahil sa mas mababang buwis na nais nitong makuha sa sigarilyo at alak.

Kumbinsido ang Punong Ehekutibo na hindi kokontra ang mga re-electionist senators sa isang popular at epektibong tax and health measure.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply