Bagyong Nina mananatili sa PAR hanggang Lunes

DAHIL sa mabagal na pagkilos ng bagyong Nina habang papalapit  sa probinsiya ng Cagayan  sa Hilagang Luzon ay  mananatili ito sa loob  ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang Lunes.

Ito ang kinumpirma ni PAGASA forecaster Meno Mendoza  alinsunod sa ipinapakita ng bagyo na manatili sa PAR  at inaasahang lalabas sa Linggo o madaling araw ng Lunes

Kahapon  sinabi ng PAGASA  ang bagyong Nina ay tinatayang nasa 860  km sa silangan  ng  Cagayan, taglay ang pinakamalakas na hangin sa bilis na 120 kph  malapit sa gitna at pagbugso hanggang 150 kph.

Ayon pa sa PAGASA kumikilos ang bagyo pa kanluran hilagang kanluran sa bagal na sa 7 kph at inaashan sa layong 750 km sa silangang bahagi ng  Calayan, Cagayan.

At sa biyernes ang bagyo ay inasahan sa layong 670 km  sa silangang bahagi ng  Itbayat, Batanes at sa Sabado ng umaga itoy na forecast sa layong  810 km  sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Wala naming itinaas na public storm signal ang PAGASA dahil napakalayo  pa aniya ng bagyo para ito makaapekto  ng direkta sa ilang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ng PAGASA,  si  Nina  ay inaasahang magbubuhos ng tubig ulan mula 10  hanggang  20 mm  bawat oras sa lawak na 600-km .

Kasunod nito, binalaan ng PAGASA ang lahat ng maliliit na sasakyang pandagat at pangisda na huwag munang pumalaot sa mga bayabayin  sa Hilagang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa malalaking alon na maaring idulot  ng  bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply