190 kilometro na kalsada naipagawa ni Recom

UMABOT sa 190 kilometers na kalsada ang naipagawa ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri simula nang manungkulan itong alkalde noong 2004 kumpara sa 30 kilometrong kalsada na naipagawa ng nakalipas na administrasyon sa loob ng siyam na taon.

Dahil sa mga kalsadang naipagawa ni Echiverri ay naging madali na ang pagbiyahe ng mga nakatira sa Caloocan North patungo sa main city hall sakaling may aayusin ang mga itong papeles.

Bukod dito, umabot na rin sa 65 kilometers ng pathwalks ang naipagawa ni Echiverri na siyang nadadaanan ng mga residente habang 141 kilometers ng drainage ang naisaayos at malayang nadadaluyan ng tubig.

Samantala, mayroon namang 886 lamp posts ang naipatayo ng administrasyon ni Echiverri, 56 water pumps ang mga naipagawa bukod pa sa iba pang infrastructure projects tulad ng school comfort rooms and fences, school buildings at facilities, multi-purpose buildings at marami pang iba na higit na napakikinabang ng mga residente.

Inaasahan ding madaragdagan pa ang mga bilang na ito dahil sa patuloy na pagpapagawa ni Echiverri ng mga bagong proyekto na magagamit at mapakikinabangan ng mga residente sa buong lungsod.

Ayon pa sa alkalde, responsibilidad ng lokal na pamahalaan na magbigay ng mga kapaki-pakinabang na proyekto para sa mga residente dahil isa ito sa nagiging basehan ng pag-unlad ng isang lugar.

“If there would be an award for the most number of infrastructure ever built by a city in the least period of time, I am sure Caloocan City would also get the recognition”, dagdag pa ni Echiverri.

Sinabi pa ni Echiverri, dahil sa mga proyektong ito ng lokal na pamahalaan ay kinilala ang lungsod bilang isa sa “most business friendly city” sa buong bansa dahilan upang dumami ang mga negosyanteng nagka-interes na magtayo ng negosyo sa Caloocan City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply