19,813 HS students nakinabang sa career employment coaching orientation ni Recom

NAGING matagumpay ang ginanap na career employment coaching orientation ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echverri kung saan ay umabot sa 19,813 junior high school students ang nakinabang mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa buong lungsod.

Ayon kay Echiverri, layunin ng programang ito ng Labor Industrial Relations Office (LIRO) at ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA (DOLE-Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) na maturuan ang mga junior high school students ng tamang kursong kukunin sa kolehiyo.

“The objective of this is to match the students’ traits, interest, values, skills and abilities with the right career choices to measure that their strengths will be fully utilized in the higher goal of global competitiveness”, sabi pa ni Echiverri.

Base sa ulat na isinumite ni Roberto Cruz, officer in charge ng LIRO kay Echiverri, kabilang sa mga pampublikong paaralan na nakinabang sa proyektong ito ang Caloocan High School, Maypajo Integrated School, Tandang Sora Integrated School, Macario B. Asistio Sr. High School main, Macario B. Asistio Sr. High School unit 1, Caloocan

Science High School, Ma. Clara High School, Kasarinlan High School, Baesa High School, Bagong Barrio High School, Deparo High School at Llano High School.

Kasama rin sa paaralang kasali sa programang ito ang Camarin High School, Cielito High School annex 1, Cielito High School unit 2, Tala High School, Bagumbong High School, Manuel L. Quezon High School, National Housing Corp. High School, Amparo High School, Horacio dela Costa High School, Caybiga High School, Talipapa High School, Caloocan City Business High School, Sampaguita High School, Kalayaan High School, Mountain Heights High School, Pangarap High School, Benigno Aquino High School at Bagong Silang High School.

Sa pamamagitan ng career employment coaching orientation ay nabibigyan ng kaalaman ang mga junior high school students ng tamang kursong kanilang kukunin sa kolehiyo base sa kanilang nalalaman at kakayahan.

Bukod dito, nalalaman din ng mga estudiyante kung saang kurso sila aangat nang sa gayon ay madaling makakuha ng trabaho ang mga ito kapag natapos na nila ang kanilang napiling karera.

Napag-alaman pa na simula nang umpisahan ang proyektong ito noong 2008 ay umabot na sa 84,917 junior high school students mula sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod ang nakinabang sa career guidance.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply