2 akyat bahay, arestado

ARESTADO ang dalawang hinihinalang ‘akyat bahay’ sa Las Pinas City na itinuturong nanloob sa isang bahay ng isang beautician sa nabanggit na lungsod.

Sinuyod ng mga tauhan ni Las Piñas PSSupt. Romulo Sapitula dakong alas-2 ng hapon kahapon ang Las Pinas Road Village, Bgy.Pamplona 3 at inaresto si Jay Suarez Y Flores ,29 anyos, binata, walang trabaho  at tubong Tarlac Cityat naninirahan sa B1 lot 38 Paramount Subd.Bgy Talon 3, at si Antonio LeeY Potot, alias Tonton,26 anyos, binata, waiter at na ninirahan sa St.Loiue subd. phase 3, Bgy Talon 3, sa bisa ng warrant of Arrest for robbery na ipinalabas ni Judge Emily ReyesAlino-Geluz ng Las pinas Branch 255 .

Sa ulat ng kaso, napag-alaman na noong 2009, ang dalawa’y pumasok sa bahay ng biktimang si Arnaldo Marinas,31 anyos, beautician sa Aristocrat Village, Bgy.Talon 3, sa pamamagitan ng pag-daan sa bintana at ng makapasok ay kinuha ang 3 cellphone ng biktima, isang Sony digital Camera, Timex na relo, P 26,000, US $ 6,000 at HKS 2,000 na umaabot lahat ng halagang P400,000.00

Sa isinagawang imbestigasyon at paghahambing sa mga latent prints ng mga suspek ay malalaman kung saan-saan sangkot ang dalawa sa mga nakawan sa lungsod ng Las Pinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply