2-anyos nabundol ng van, patay sa Camarines Norte

DAGLIANG kamatayan ang inabot ng dalawang taong gulang na batang lalaki matapos na mabundol ng isang van na minamaneho ng isang babae sa  bayan ng Talisay sa lalawigan ng Camarines Norte, sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report na ipinadala sa punong himpilan sa Camp Crame, kinilala ang namatay na bata na si Mark Loyd Lavarez ng Barangay Itomang ng nasabing bayan.

Sa isinagawang initial investigation ng Camarines Norte Police Provincial Office, tinatahak ng van na minamaneho ni Raquel Rivera, 36-anyos na negosyante at residente ng Barangay Poblacion ng bayan ng Vinzon ang nasabing lugar nang aksidente nitong mahagip ang tumatawid na bata.

Nagawa pang maitakbo ang biktima ng mga bystander sa pagamutan ngunit ideneklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Pansamantalang idinitine si Rivera habang inilagay ang kanyang sasakyan sa temporary impounding area.

Samantala, sa hinawaly na ulat mula din sa nasabing police office, inoobserbahan pa rin ang anim na taong gulang na bata makaraang mabangga naman ng isang pampasaherong bus.

Kinilala itong si Ericka Castor, grade 1 pupil ng Barangay New Moriones, Ocampo Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Christian Oyda, tumatawid din ang biktima nang mahagip ito nang rumaragasang public utility vehicle (PUV) na minamaneho ni Ruben Flores ng Barangay Tabgon sa bayan ng Goa na may lulan namang pasahero.

Kaagad isinugod sa malapit na pagamutan ang biktima habang sumuko naman sa pulisya ang driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply