2 arestado sa ‘di lisensiyadong baril

SWAK sa kulungan ang hinihinalang riding in tandem matapos itong mahulihan ng mga awtoridad ng baril at ang ginamit nitong gate away motorcycle sa isang naganap na habulan kaninang madaling araw  Oct. 15, sa Samson Road caloocan City.

Ang mga suspek sinampahan ng kasong paglabag s  R.A8294 (illegal possession of firearms and ammunition  at resisting arrest ay sina Zeus Romero y Brillantes, 23, binata, driver ng 103 Lapu Lapu St., Caloocan at si Jomar Dimdam y Romerosa, 19, binata, conductor, ng 705 Gov. Pascual St., Potrero, Malabon City.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Cesar Garcia, ng Station Investigation Division ng Caloocan police, dakong alas 2:30 kaninang madaling araw ng isuplong ng security guard ng Best Friend Restaurant , na may kahinahinalang kilos ang dalawang suspek na may sukbit na baril na pumasok sa nasabing fast food.

Dahil dito, agad ipinarating ng naturang sekyu sa tanggapan ni Sr. Supt. Rimas Calixto hepe ng Caloocan police kaya rumesponde agad ang kanyang mga  tauhan sakay ng Patrol Car N-144 at tinungo ang nasabing lugar.

Naalarma ang dalawang suspek na agad lumabas sabay sakay ng kanilang motorcycle at pinaharorot palayo. Hinabol ng nasabing mobile car sa pangunguna ni Sp01 Marvin San Juan P02 Bernardo Toleledo at dalawa pang pulis at nasukol sina Dimdam at Remoro sa kahabaan ng kalye Jose Bautista Caloocan.

Nakarekober ang mga awtoridad sa baywang ni Dimdam ang isang hindi lisensyadong baril na kalibre 22 (8 shooter) revolver na maroon 7 live ammunition at isang Honda wave motorsiklo na may plakang XP-5709

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inalalam kung ang mga suspek ay kasapi ng sindikatong riding in tandem.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply