2 babaeng tulak nalambat ng PDEA sa Davao

NALAMBAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babae sa magkahiwalay na buy- bust operations na isinagawa sa Davao.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga dinakip na suspek na sina Janet Tan, 38, separated, ng Encomienda Compound, Purok Rambotan, Visayan Village, Tagum City at Eden Grace Ugmad Amba, 37, may-asawa, beautician, ng Block 64, Lot 16, Phase 1, SIR Matina, Davao City.

Ayon sa PDEA unang nadakip ang suspek na si Tan sa Purok Rambotan ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 11 (PDEA RO 11) at ng Davao del Norte Provincial Drug Enforcement Office (DNPDEO) sa ilalim ni Director Emerson Rosales sa isang entrapment operation nitong October 17, 2012.

Nadakip ang suspek na si Tan habang ibinebenta umano ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang PDEA poseur-buyer.

Matapos ito nakuha mula kay Tan ang tatlong sachet ng shabu sa kanyang pag-iingat.

Nitong nakalipas na October 18, 2012, nadakip ng mga elemento ng PDEA RO11 ang suspek na si Amba sa isang buy-bust operation na isinagawa ng kanyang mga kapitbahay sa Matina, Davao City matapos nitong pagbilhan ng isang sachet ng shabu ang isang poseur-buyer.

Narekober ng mga operatiba ng PDEA kay Amba ang may 20 sachets ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Drugs Act of 2002, ang mga nadakip.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply