2 bagong kongresista nanumpa na

PITONG buwan bago ang 2013 midterm elections ay nadagdagan pa ang bilang ng mga mambabatas matapos manumpa ang dalawang bagong kongresista.

Nanumpa kagabi (Oktubre 9) si Alay Buhay Community Development Foundation Inc. Partylist Rep. Wesley Gatchalian sa harap mismo ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.

Si Gatchalian na pang 287 na kongresista ay sinamahan ng kanyang asawang si Tiffany at kapatid na si Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian, ang spokesman ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ang kapapanumpang si Gatchalian ay kapatid din ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at anak ng prominenteng Chinese-Filipino businessman William Tiu Gatchalian.

Noon namang Lunes ng gabi ay nanumpa rin bilang pang-286 na miyembro ng Kamara de Representantes si Federation of Jeepney Operators and Drivers Alliance of the Philippines (FEJODAP) President Zeny De Castro Maranan bilang Partylist Rep.

Si Maranan ay nanumpa rin sa harap ni Belmonte bilang kapalit ni Rep. Homer Mercado ng 1-United Transport Koalisyon (1-Utak) na nagbitiw bilang kongresista upang lumipat sa ibang party-list group na lalahok din sa 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply