2 bagyo, naispatan sa labas ng PAR

SA pag-alis ng typhoon Lawin sa bansa, nabuo naman agad ang dalawang panibagong bagyo sa labas ng teritoryo ng Pilipinas na ang isa ay nagbabanta sa Northern Luzon.

Sinabi ng Japan Meteorological Agency (JMA), nabuo na bilang bagyo o tropical depression ang low pressure area (LPA) na nasa West Philippine Sea at naging bagyo na rin ang isa pang LPA sa karagatang Pasipiko.

Pero ayon sa PAGASA, isang sama ng panahon na nasa West Philippine Sea ang natukoy kaninang umaga sa layong 620 kilometro sa kanluran ng Luzon.

Umuusad ito pahilagang silangan at inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong araw at papangalanan na “Marce.”

Samantala, natukoy naman ang isa pang bagyo sa layong 305 milya sa hilagang silangan ng Guam.

Umuusad ito ng pahilagang kanluran at hindi na banta sa Pilipinas at sa halip ay tinutumbok na ang katimugang bahagi ng Japan.

Bagamat nasa labas pa ng karagatang sakop ng Pilipinas ang dalawang bagyo, inaasahan pa rin ang mga pabugso-bugsong ulan lalo na sa Luzon bunsod ng hanging habagat monsoon rains.

Magiging maulap at makulimlim ang panahon sa Cagayan, Isabela at Cordillera Administrative Region.

Makakaranas din ng manaka-nakang ulan ang Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Regions sa buong maghapon.

Inaasahan naman na magiging maganda ang panahon sa Visayas habang may kaunting kaulapan sa Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply