2 bahay naabo sa Pangasinan

NAWALAN ng tahanan ang dalawang pamilya makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Bautista, Pangasinan.

Nabatid na dalawang bahay ang nasunog na pag-aari nina Honorado Junio at Johny Junio, pawang taga-Barangay Nbaliw Sur, naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang sunog sa likuran ng dalawang bahay at agad na kumalat dahil gawa sa light materials at nipa ang tahanan ng mga biktima.

Tanging ilang damit at gamit ang nailigtas ng mga biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP sa naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply