2 bangka tumaob sa Batangas; 2 nakaligtas, 1 nawawala

WASAK ang dalawang bangkang pangisda matapos tumaob sa karagatang sakop ng Nasugbu, Batangas dahil sa malalaking alon na epekto ng bagyong Marce kagabi.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, tumaob ang dalawang bangka, 200 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay Wawa sa Nasugbu.

Nawawala naman ang isa sa mga sakay nito na kinilalang si Dante Sarasa, 59 taong gulang habang nakaligtas naman sina Gerardo Melgar, 39 taong gulang at Ariel Cosare, 35 na nagawang makalangoy sa pinakamalapit na baybayin.

Nasaklolohan naman ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard ang dalawang mangingisda na nakauwi na sa kani-kanilang pamilya matapos na matiyak na sila ay nasa mabuting kondisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply