2 bebot, tiklo sa buy-bust ng PDEA

DALAWANG babaeng umanoy tulak ng shabu ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation habang binebentahan  ng  methamphetamine hydrochloride, o shabu, ang isang poseur buyer sa Zamboanga City noong hapon ng Oct. 11.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling mga suspek na sina   Hermina Ismael, alias Minang, 40 anyos, at, Helbrina Baddiri, alias Leng, 22 anyos at kapwa residente sa  Laud-Laud, Rio Hondo, Zamboanga City.

Ani Gutierrez ang nasabing operasyon ay inilunsad sa Laud-Laud, Rio Hondo, Zamboanga City ng mga  elemento ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa pamumuno ni Director Adzhar Aidarus Albani.

Nakuhanan pa ng apat pang karagdagang sachet ng shabu sa kanyang coin purse ang suspek matapos itong kapkapan sa nasabing operasyon habang nagawa namang makatakas ng isa pa nilang kasamahan na nakilala sa alyas na Abi Baddin.

Pansamantalang nakapiit sa detention cell ng  PDEA RO9. Ang dalawa matapos silang kasuhan ng paglabag  sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165.

Dahil dito, sinabi ni Gutierrez na labis na nakakaalarma ang paglobo ng bilang ng mga kababaihang nasasangkot ngayon sa iligal na droga .

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply