2 bus nagsalpukan, 25 katao sugatan

SUGATAN ang 25 pasahero sa naganap na banggaan ng dalawang bus malapit sa panulukan ng Edsa at East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City Martes ng umaga.

Mabilis na naisinugod sa East Avenue Medical Center ang mga sugatang pasahero na karamihan ay nagtamo ng sugat sa ulo.

Kabilang din sa mga nasugatan ang driver Nova Bus na si Danilo Onggonio, 34 anyos, na ginagamot rin sa nasabing pagamutan.

Batay sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng umaga malapit sa panulukan ng Edsa at East Avenue patungong Cubao area.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng Nova Bus (EWR-949) ang kahabaan ng East Avenue at pagsapit nito malapit sa Edsa ay nawalan ng preno.

Nagkataon umano na nagbababa naman ng mga pasahero ang Yomance Bus (UYA-433) sa kalagitnaan ng East Avenue paliko ng Edsa ang nang masalpok ang likuran nito ng kabuntot na Nova Bus.

Nayupi ang harapan ng bus dahil sa lakas ng impact.

Tumagal din ng ilang minuto bago naalis ng rescue team ng MMDA ang katawan ni Onggonio sa pagkakaipit sa minamaneho niyang bus (Nova).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply