2 bus sumalpok sa puno; bata patay, 17 pa sugatan

PATAY ang isang bata habang 17 iba pa ang sugatan makaraang sumalpok sa puno ang dalawang magkasunod na bus sa Barangay Luca, Ajuy, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si Sheryn Buendia, 11, ng North Baluarte, Molo, Iloilo City, pasahero ng unang bus na sumalpok sa puno.

Nabatid na magkasunod na binabagtas ng dalawang bus ng Vallacar Transit nang iniwasan ng unang sasakyan na masagasaan ang isang matandang tumatawid kung kaya sumalpok ito sa puno ng mahagony.

Ayon pa sa driver ng naunang bus na si Alcon Aldea, ng Balasan, Iloilo kaagad na nagpreno ang pangalawang bus at nawalan ng control kung kaya bumangga rin sa isa pang punong kahoy.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na mabilis ang pagmamaneho ng naunang bus kung kaya nawalan ng control nang iwasan ang tumatawid na matanda.

Kasalukuyan namang nasa Ajuy Police Station si Aldea habang pinalaya naman ang driver ng pangalawang bus na si Roel Borlado, 33, ng Sara, Iloilo makaraang mapatunayang walang pananagutan sa naturang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply